Nagbabala si International Criminal Court assistant to counsel Atty. Kristina Conti sa posibleng panganib sa mga biktima ng drug war kung pansamantalang palayain si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Conti, posibleng makapanumpa si Duterte bilang Mayor ng Davao City kung makalalaya at makapupunta sa Philippine territory o konsulado.
Delikado aniya ito dahil sa lakas ng impluwensya nito sa mga tagasuporta.
Nakakulong si Duterte sa ICC sa The Hague, Netherlands mula Marso dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng drug war killings.
Matatandaang humiling ang kampo ni Duterte sa ICC ng interim release, sa isang bansang hindi pa pinapangalanan.