Abalos, sinagot si Barzaga hinggil sa pagdadawit sa kanya ni Rep. Barzaga sa maanomalyang flood control projects

📅

Binanatan kasabay ng pagbibigay ng tila ‘fatherly advice’ ni dating Interior chief Benhur Abalos Jr. si Cavite Rep. Kiko Barzaga matapos umanong patamaan ng kongresista ang kaniyang pamilya sa social media.

Ito’y matapos pasinungalingan ni Abalos ang alegasyon na sangkot ang kaniyang pamilya sa flood control projects.

Iginiit ni Abalos na wala siyang kinalaman sa mga ito noong siya’y nasa DILG pa.

Sa Facebook post, sinabi ni Abalos na dapat unahin ni Barzaga ang pagsisilbi sa tao at hindi ang pagpapakalat ng mga walang basehang paratang.

ADVERTISEMENT

Dagdag niya, nararapat na maging mabuting halimbawa sa susunod na henerasyon si barzaga.

Matatandaang binatikos ni Barzaga sa social media si Abalos matapos siyang ipatawag ng House committee on ethics na pinamumunuan ni Rep. JC Abalos.