
Nasabat sa Port of Subic sa Zambales ang nasa ₱100 milyong halaga ng misdeclared agriculture products.
Idineklarang chicken lollipops at karaage ang mga kontrabando mula sa China, ngunit nang buksan ito, tumambad ang mga sibuyas, carrots, at frozen mackerel.
Susuriin ang mga produkto at kung ligtas pa ay maaaring maipamahagi sa mga mahihirap.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., 20 kumpanya na ang nasa block list dahil sa pagpupuslit ng produktong agrikultura at kakasuhan sa ilalim ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. (Sarah Lagsac-Arsenio/ News Light)



