‘A Reason to Praise Him’: Pag-awit ng papuri ng mga estudyante matapos ang lindol, viral online | News Light

📅  |  ✏️ Updated

“Praise the Lord, oh my soul!”

‘Yan ang sigaw ng mga estudyanteng piniling alayan ng awit ng papuri ang Panginoon kahit kakalindol pa lamang.

Imbes na mag-uwian dahil nakansela ang kanilang klase, sama-samang umawit ang isang grupo ng mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa.

Hindi takot o pangamba kundi pagbibigay-papuri sa Diyos ang kanilang naging tugon sa sitwasyon.

Nagbigay ng pagpapala at inspirasyon ang kanilang pananampalataya sa maraming netizen.

ADVERTISEMENT

Isinabuhay nga nila ang lyrics ng kanta: “I won’t be quiet, my God is alive. How can I keep it inside?”

Purihin ang Diyos sa buhay ng mga kabataang tapat na nagmamahal at ibinabahagi ang kabutihan ng Panginoon.