9 OFW biktima ng trafficking sa Myanmar, nakauwi na ng bansa | News Light

📅

Magbabagong taon sa Pilipinas ang siyam na Overseas Filipino Workers (OFW) na biktima ng trafficking sa Myanmar matapos makabalik ng bansa noong Linggo.

Sinalubong ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at ng NAIA Task Force Against Human Trafficking ang mga Pinoy na umuwi sakay ng Thai Airways.

Binigyan ng paunang financial assistance at welfare support ang mga biktima at nakatakdang makipag-ugnayan sa DMW sa Enero para sa dagdag na tulong legal.

Base sa mga naunang kaso, karamihan sa mga nagiging biktima ay naloloko sa social media at napapangakuan ng malaking sahod, kaya pinapayo ang publiko na mag-ingat sa mga scam gaya nito.