Sinibak na ng Philippine National Police ang walo sa mga hepe ng pulisya sa Metro Manila dahil sa pagpalya na sumunod sa 5-minute response time sa mga emergency calls.
Ayon kay PNP chief General Nicolas Torre III, pina-relieve niya ang mga ito matapos hindi makasunod sa standards ng ahensya.
Ayon kay PNP spokesperson Bgen. Jean Fajardo kabilang sa sinibak na mga police chief ay mula sa Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan, Parañaque, at Makati.
Nangako naman na si Torre na reresponde ang mga pulis sa loob ng 5-minuto sa 911 calls sa Metro Manila at tatargetin pa itong bawasan sa 3-minuto pagkatapos ng 3 buwan.