Walong hepe ng pulisya sa Metro Manila ang sinibak sa puwesto ni Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III matapos bigong maipatupad ang 5-minutong pagtugon sa mga krimen.
Kabilang sa mga tinanggal ay ang mga hepe ng PNP Caloocan, Makati, Mandaluyong, Marikina, Navotas, San Juan, Parañaque, at Valenzuela.
Ayon kay Torre, handa silang maghanap ng mga opisyal na kayang ipatupad ang mandato kapalit ng mga sinibak na hepe.
Posible rin aniya na magtanggal ng mga opisyal ng kapulisan mula sa mga probinsya.
Isa na rito ang binalaang provincial director ng Iloilo dahil sa kaparehong isyu.