79-anyos na dating OFW, matutupad na ang pangarap na maging tour guide | News Light

📅  |  ✏️ Updated

“It’s never too late,” ika nga, para tuparin ang pangarap ng 79-anyos na si Nanay Erlinda Flores.

Dalawang dekadang namalagi si Nanay Erlinda sa U.S. bilang overseas Filipino worker (OFW). Ngunit dahil sa pangungulila sa pamilya, naisipan niyang umuwi at dito niya napagdesisyonan na gusto niyang maging isang accredited tour guide sa Intramuros.

Si Nanay Erlinda ang pinakamatandang kalahok sa community tour guiding seminar for senior citizens, isang programa ng Department of Tourism at National Commission of Senior Citizens. Layunin nitong kilalanin ang ambag ng mga Pilipino sa pagpapalaganap ng kasaysayan at kultura ng bansa.

Bahagi rin ito ng selebrasyon ng Tourism Month na isinasagawa mula Setyembre 24 hanggang Oktubre 2.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Nanay Erlinda, hindi pera o gantimpala ang kanyang habol, kundi ang pagkakataong maipakita sa mga dayuhan ang kagandahan at kabutihang-loob ng mga Pilipino.

Mabuhay ka, Nanay Erlinda!