Aabot na sa halos walumpu ang bilang ng mga nasawi sa matinding baha sa Texas, U.S.A. kabilang na rito ang nasa tatlumpung bata.
Ayon sa mga otoridad, ito na ang pinakamalalang sitwasyon sa kerr county kung saan naging sentro ng pagbaha ang lugar matapos umapaw ang guadalupe river sa kasagsagan ng malakas na ulan noong independence day, July 4.
Aabot din sa apatnapu ang nawawala na karamihan ay mga campers sa Camp Mystic kung saan isinasagawa ang isang girls’ summer camp na tinamaan ng rumagasang tubig.
Samantala, naglabas na rin ng major disaster declaration si President Donald Trump at nagpadala ng tulong sa mga naapektuhang lugar.
ADVERTISEMENT



