7 sa 10 Pilipino, nais na humarap si VP Duterte sa impeachment trial ayon sa OCTA survey | News Light

๐Ÿ“… June 10, 2025 12:23 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated June 10, 2025 12:23 PM PHT
๐Ÿ‘ค Carlene Latuna  |  ๐Ÿ“‚ Pulitika, Latest News, News Light

78% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat humarap si Vice President Sara Duterte sa paglilitis sa Senado o impeachment court, ayon sa OCTA survey.

Base sa Tugon ng Masa survey na isinagawa noong Abril, nais ng halos walo sa sampung Pinoy na sagutin ng Bise Presidente ang mga akusasyon laban sa kanya.

Sa survey naman na isinagawa ng WR Numero Research sa kaparehong buwan, nasa 90% ng mga Pilipino ang may nais na humarap si VP Sara sa paglilitis kaysa magbitiw ito sa puwesto.

Maging sa Social Weather Stations survey na isinagawa noong Mayo, lumabas na 88% ang naniniwalang dapat sagutin ng Bise Presidente ang mga alegasyong ibinabato sa kanya.

Ang OCTA survey ay isinagawa noong Abril 20 hanggang 24 na nilahukan ng nasa 1,200 na indibidwal.