7 mangingisda, nasawi matapos tumaob ang bangka sa Cagayan dulot ng Bagyong Nando | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nasawi ang pitong mangingisda sa Santa Ana, Cagayan matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa kasagsagan ng bagyong Nando.

Batay sa imbestigasyon, nakadaong ang bangkang lulan ang 13 katao nang tumagilid at tuluyang tumaob ito dahil sa malakas na alon at hangin.

Sa search and rescue operations ng Coast Guard District North Eastern Luzon, naunang nakita ang anim na nakaligtas mula sa insidente.

Matapos nito, nahanap naman ang katawan ng una at ikalawang nasawi, at ilang oras naman ay nakita ang labi ng dalawa pang biktima.

ADVERTISEMENT

Huling nahanap ang tatlo pang nasawi.

Labing-isa sa mga mangingisda ay galing sa Quezon Province, samantalang isa ang galing sa Cagayan at ang isa pa ay galing sa Camarines Norte.