Isiniwalat ng Commission on Audit (COA) na 69 porsyento ng mga bilangguan sa bansa ay siksikan na at hindi na katanggap-tanggap pa ang kondisyon.
Sa 2024 audit report ng COA, 36 sa 484 jail facilities rin ng bansa ay overcrowded, resulta ang unhealthy living conditions ng mga persons deprived of liberty (PDLs).
Pumalo naman sa 2,141 porsyento ang congestion rates ng piitan, na pagpalya sa benchmark ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at United Nations.
Ayon pa sa mga state auditors, may humigit-kumulang 113,000 na PDLs ang nasa loob ng BJMP; doble ng 50,085 inmates na kapasidad nito.
Kaya naman, para umano mabuhay, sumasali na sa mga gang at pangkat ang mga PDL para magkaroon ng access sa proteksyon, suporta at materyal na benepisyo.
ADVERTISEMENT
Humingi naman ng suporta sa local government ang BJMP para sa mas matiwasay na bagong bilangguan, kasabay ang pondo mula sa Department of Budget Management para sa pagtatayo ng karagdagang mga buildings.
Sa ilalim ng Republic Act No. 6975 ng Saligang Batas, mandato sa BJMP na panatilihin ang seguridad at sanitary facilities na layong pangalagaan ang mga inmate. (Denniel Salayo/News Light)



