6 sa 10 Pinoy, galit dahil sa flood control project anomalies – OCTA | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Galit ang anim sa sampung Pinoy sa maanomalyang flood control projects sa bansa, ayon sa pinakahuling OCTA Research survey.

Sa Tugon ng Masa survey na isinagawa mula September 25 hanggang 30, lumabas na 60 percent ng 1,500 na mga Pilipino ang galit samantalang 30 percent ang may takot o anxiety dahil sa korapsyon sa flood control projects.

Nasa siyam na porsyento ang nagpahayag ng kalungkutan sa mga nangyayari at 1 percent lamang ang nakakaramdam ng pag-asa.

Sagot naman ng Palasyo sa mga Pilipinong nais pabilisin ang pananagot sa mga opisyal na sangkot, “kalma lang.”

Ayon kay Malacañang spokesperson Atty. Claire Castro, hindi madadaan sa agad-agaran ang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

Samantala, 46 percent ang naniniwala na nararapat ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na mag-imbestiga hinggil sa anomalya.

Nasa 83 percent naman ang sang-ayon sa ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagsiwalat sa mga sangkot na flood control contractors.