6 sa 10 incoming party-list, hindi kumakatawan sa marginalized sectors — Kontra Daya

📅

Hindi kumakatawan sa mahihirap.

Ganyan inilarawan ng election watchdog na Kontra Daya ang mga incoming party-list sa 20th Congress.

Kasunod ito ng proklamasyon ng mga party-list nitong Lunes.

Ayon sa Kontra Daya, 6 sa 10 sa mga incoming party-list ay hindi kumakatawan sa marginalized sector, sa halip ay may bahid pa ng isyu at korapsyon.

Sa 63 na incoming party-list representatives, 22 ang may kaugnayan sa political dynasty.

Siyam ang may koneksyon sa malalaking negosyo, apat ang may koneksyon sa kapulisan at militar, habang tatlo ang may kinahaharap na kaso ng korapsyon.

ADVERTISEMENT

Tatlo naman ang may kahina-hinalang adbokasiya at isa ang may hindi sapat na impormasyon.

Aabot sa 34 out of 54 na incoming party-list ang maituturing na red flag, ayon sa Kontra Daya.

Kaya kailangan anila ng public pressure, o mariing panghihikayat ng publiko, para masigurong isusulong ng mga nahalal na party-list groups ang interes ng taumbayan sa 20th Congress.