6 Japanese crime syndicate, ipina-deport ng BI | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Anim na Japanese nationals na kinilalang miyembro ng kilalang sindikatong “JP Dragon” ang ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) nitong Miyerkules.

Ayon kay Atty. Alex Arciaga, hepe ng BI Deportation and Implementation Unit, sakay ng Japan Airlines patungong Tokyo sina Hiraki Ishikawa, 46; Tsubasa Amano, 30; Akira Sambonchiku, 26; Naoto Matsumoto, 36; Rintaro Yamane, 28; at Masato Morihiro, 38 mula sa NAIA Terminal 1.

Naaresto ang mga suspek noong Mayo 21 sa magkahiwalay na operasyon ng Fugitive Search Unit sa San Jose del Monte, Bulacan at Ermita, Maynila.

Ayon sa mga awtoridad ng Japan, kabilang sila sa sindikatong sangkot sa malakihang panloloko laban sa mga nakatatanda sa kanilang bansa gamit ang pekeng identity ng mga opisyal.