
Isang batang nakagat ng tuta ang nasawi kamakailan sa kabila ng agarang pagpapabakuna at pagsunod ng pamilya sa tamang iskedyul ng anti-rabies vaccination nito.
Ayon sa mga magulang, nakagat ang bata noong May 7, 2025, at agad itong nabigyan ng unang dose ng anti-rabies vaccine sa District Hospital.
Nasundan ito ng ikalawang dose noong May 10, ikatlo noong May 14, at huling turok nito lamang June 4.
Pero, pagsapit ng June 12, nilagnat umano ang bata at kinabukasan ay isinugod sa pagamutan dahil sa matinding lagnat at pagsusuka.
Makalipas ang ilang oras, agad itong binawian ng buhay.
Dahil dito, nananawagan ang pamilya ng bata ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung may mali sa naiturok na bakuna.
Samantala, agad na isinailalim sa cremation ang labi ng bata dahil sa paniniwalang rabies ang ikinamatay nito.