54% ng mga Pinoy, suportado ang agarang pagpasa ng anti-dynasty law | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Suportado ng 54% ng mga Pilipino ang agarang pagpasa ng panukalang magbabawal sa mga political dynasty sa bansa, ayon sa Pulse Asia Research.

Ayon sa survey, 21% ang very much agree at 33% ang somewhat agree na dapat maipasa na ng Kongreso ang naturang batas.

Samantala, lumalabas na 18% ang hindi sang-ayon na maipasa ito agad at 27% ang undecided.

Magugunitang sa mga unang buwan pa lamang ng ika-20 Kongreso, ilang anti-dynasty laws na ang inihain ng mga mambabatas sa Senado at Kamara.