
Iprinoklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga partidong nanguna at nakakuha ng pwesto sa 20th Congress.
Sa pangunguna ng National Board of Canvassers at sa pamumuno ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, isa-isang prinoklama ang mga partidong nanalo.
Kumpletong tinanggap nina first, second, at third nominees Atty. Chel Diokno, Perci Cendaña, at Dadah Kiram Ismula ang tatlong House seats na nakalaan sa Akbayan.
ADVERTISEMENT
Ang Akbayan ang top 1 sa party-list race na nakakuha ng 2.7 million votes.
Pumangalawa sa pinakamaraming boto ang Duterte Youth na nakakuha ng 2.3 milyong boto at may tatlong pwesto sana sa Kamara.
Gayunpaman, sinuspindi ng Comelec ang Duterte Youth at Bagong Henerasyon party-list groups bago pa man iproklama dahil sa mga nakabinbin nitong disqualification cases.
ADVERTISEMENT
Naiproklama naman ang re-elected party-list na CIBAC na nasa ika-10 pwesto sa party-list race.
Halos anim na raang libong boto ang nakuha ng CIBAC at garantisado na ang isang House seat para sa first nominee nitong si Bro. Eddie Villanueva.
Ang second nominee nito na si Domingo Rivera ang tumanggap ng certificate of proclamation.
ADVERTISEMENT
Labis naman ang pasasalamat ni Mamamayang Liberal o ML Party-list Representative Leila de Lima sa pagkapanalo ng kanilang partido.



