Napilitang lumikas ang mga pasyente sa ospital sa Bangkok, Thailand matapos bumuka ang sinkhole na may 50 metrong lalim at nagdulot ng panganib at abala sa lugar.
Sa video na kuha ng ilang netizen, makikita ang unti-unting pagkaguho ng kalsada dahil sa sinkhole na tumambad sa gitna nito.
Walang napaulat na nasawi ngunit nasira ang tatlong sasakyan, nahatak ang ilang poste ng kuryente, at nasira ang tubo ng tubig.
Ayon kay Bangkok Governor Chadchart Sittipunt, posibleng ang isinasagawang konstruksyon ng underground train station ang dahilan ng pagkakaroon ng sinkhole.



