50% diskwento sa pamasahe sa MRT at LRT ng mga estudyante at senior citizens, nais ni PBBM

📅 June 23, 2025 11:19 AM PHT  |  ✏️ Updated June 23, 2025 12:20 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Featured, Latest News

Mas malaking diskwento ang gustong ipatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga estudyante at senior citizen na sumasakay sa MRT at LRT.

Sa isang panayam, iginiit ng Oangulo na hirap sa cash ang mga estudyante at matatanda kaya naisipan na bawasan ang kanilang pamasahe.

Kasunod nito, inanunsyo ng Transportation department na mula June 20, 50 percent discount na ang pamasahe ng mga estudyante sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, malaking ginhawa ito sa mga pamilya, lalo na sa mga magulang na may mga anak na pumapasok sa eskuwela.

Nais ng palasyo na magamit sa iba pang gastusin sa pag-aaral ang matitipid sa pamasahe.