
Nasayang dahil itinapon lang ang tone-toneladang carrots ng mga magsasaka sa Benguet.
Hindi na kasi mabenta ang mga ito kahit pa bagsak-presyo na.
May mga ilan naman na ipinamahagi na lang ang carrots dahil ayon sa mga magsasaka, mas malulugi sila kung itatabi nila itong muli.
Ayon sa SINAG, mataas ang supply ng carrots sa bansa ngayon kaya bumagsak ang presyo nito.
Sa monitoring ng grupo, nasa ₱3 hanggang ₱10 ang kada kilo ng carrots sa Benguet, depende sa laki at supply.