5 senatorial candidates, inendorso ng JIL

📅

Inanunsyo na ng Jesus Is Lord Church Worldwide (JILCW) ang mga senatorial candidates na kanilang ineendorso para sa 2025 midterm election.

Kabilang dito sina:

• Dating Senate President Tito Sotto

• Dating Senador Manny Pacquiao

ADVERTISEMENT

• Dating Senador Ping Lacson

• Dating Senador Kiko Pangilinan

• Senadora at reelectionist Pia Cayetano

ADVERTISEMENT

Pinili mismo ng JIL Executive Selection Committee ang mga senatorial candidate dahil sa kanilang mga adbokasiya na maka-Diyos at makabayan, at sa kanilang pananaw sa mga moral issues na kinahaharap ng bansa.

Batayan din ng komite sa pagpili ng senatorial candidate ang paglaban nila para sa katotohanan, katarungan, at katuwiran.

Nagpapatuloy pa ang deliberasyon ng komite, at iaanunsyo ang kumpletong labindalawang senador na ineendorso ng JIL bago ang halalan.

Hinimok naman ng komite ang mga JIL pastor sa higit 1,500 na mga chapter sa Pilipinas na ipaalam sa mga miyembro ang ineendorsong mga kandidato.

ADVERTISEMENT

Pero nauna nang nilinaw ni Senator Joel Villanueva na hindi sapilitan ang pagboto sa mga ineendorso ng JIL.

Ito ay rekomendasyon lang, ibig sabihin, malayang pumili at hindi matitiwalag sa JIL ang isang miyembro kung hindi nito iboboto ang mga ineendorsong senatorial candidates.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat sa JIL ang mga senatorial candidates gaya nina Pia Cayetano at Kiko Pangilinan.

ADVERTISEMENT

Sa mga larawang ibinahagi ni Pangilinan, pinangunahan ni JIL President and Spiritual Director Bro. Eddie Villanueva ang panalangin para sa dating senador.

Ayon kay Pangilinan, handa siyang isulong ang pamamahala na nakaugat sa katotohanan, katarungan, at katuwiran.