Limang airport police na sangkot sa umanoy taxi extortion scheme sa airport ang sinibak na sa pwesto ni Transport Secretary Vince Dizon.
Nag ugat ang imbestigasyon sa sumbong ng drayber na si Felix Opina sa umanoy 60-40 na hatian kung saan pwersado umanong magbigay ang mga taxi driver ng porsyento sa mga pulis.
Ito anya ang dahilan kung bakit napipilitang mag overcharge ang ilan sa taxi drivers sa airport.
Una nang ipinasuspindi ang lisensya ng taxihub transport driver na si Opina matapos mahuling maniningil ng 1,260 pesos na pasahe para maghatid mula terminal 2 hanggang terminal 3 ng NAIA.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Manila International Airport Authority na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kung gaano kalawak ang naturang extortion scheme.