Nagsagawa ang Bureau of Immigration ng mass deportation sa 49 South Korean fugitives na nasa bansa.
Ayon kay Commissioner Joel Viado, karamihan sa mga ito ay sangkot sa illegal gambling, fraud, at online scamming.
Kabilang dito ang mastermind ng phishing syndicate na nahuli sa pampanga na umabot sa humigit P69.7 million ang nakulimbat.
Sinabi ng Immigration na hindi gagawing safe haven ang pilipinas para sa mga kriminal.
ADVERTISEMENT
Inescort ang mga nahuli pabalik ng South Korea kasama ng mga opisyal ng gobyerno.
Samantala, nasa 50 dayuhan pa ang nanatili sa kustodiya ng BI at maaari na silang ipa-deport sa mga susunod na araw.



