Lumabas sa pinakabagong Survey ng Social Weather stations na 47 percent ng mga Pilipino
o halos isa sa bawat dalawang indibidwal ang umaasa na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Batay sa pinakahuling ulat, 37 percent ng mga pinoy naman ang nagsabing mananatili ang sitwasyon o walang magbabago habang five percent ang nagdududa pa sa mga pag-unlad na magaganap.
Pinakamataas ang optimism o pag-asa sa mga kabataang edad 1824 mas mataas din ang pag-asa ng mga pamilyang hindi itinuturing ang sarili na mahirap.
Isinagawa ang survey nitong June 25 hanggang 29 sa mahigit 1,000 Pilipino.



