Nasa 46 public transport vehicles sa mga paliparan ang nahuli dahil sa overcharging at pagiging kolorum, ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP).
Kabilang sa mga nahuli ay 28 na public utility vehicles (PUV), 11 ‘habal-habal’ na motorsiklo, at pitong UV Express.
Ayon sa PNP AVSEGROUP, 22 sa mga PUV at 10 sa mga habal-habal ay mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang mga nahuling sasakyan ay dinala sa Land Transportation Office sa Quezon City.