Ipinaliwanag ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na apat sa bawat limang kumpanya sa bansa ang bukas at handang mag-hire ng senior high school graduates basta may TESDA skills certification.
Sa post-SONA discussion sa San Juan, sinabi ni TESDA Chief Kiko Benitez na nasa 175,000 na senior high school graduates ang nabigyan ng NC II at NC III certificates.
Lalong pinaiigting ng TESDA ang assessment at training programs nito para tugunan ang skills mismatch at tulungan ang mga kabataang makahanap agad ng trabaho.
Iginiit din ng ahensya na layon nitong makatulong sa labor department na mas mapalakas pa ang ekonomiya at trabaho sa bansa.
ADVERTISEMENT
Samantala, nilinaw naman ni DepEd Secretary Sonny Angara na walang pagbabago sa implementasyon ng K to 12 sa kabila ng mga batikos.



