4 patay, 38 nawawala sa lumubog na ferry sa Indonesia

📅 July 4, 2025 12:35 PM PHT  |  ✏️ Updated July 4, 2025 12:35 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Ulat Overseas

Patay ang apat na indibidwal habang halos apatnapu ang nawawala matapos lumubog ang isang ferry sa dagat malapit sa Bali, Indonesia.

Ayon sa Indonesian search and rescue agency, lumubog ang ferry halos tatlumpung minuto pagkalayag mula Banyuwangi port sa East Java papuntang bali noong miyerkules ng gabi.

Mahigit sa animnapu ang sakay ng ferry kabilang ang nasa limampung pasahero labindalawang crew at mahigit dalawampung sasakyan.

Habang nakaligtas naman ang nasa dalawampu’t tatlong sakay.

Ayon sa passenger’s manifest wala namang dayuhang pasahero ang lumubog na ferry.

Patuloy naman ang search operations pero naantala dahil sa malalakas na alon at hangin.