Hindi bababa sa dalawampung katao ang pinagbabaril kung saan apat ang nasawi sa isang drive-by shooting sa north side ng Chicago, Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Chicago police, may isang album launch party sa isang nightclub malapit sa river north nang maganap ang pamamaril bandang alas onse ng gabi habang nasa gilid ng kalsada ang mga biktima.
Patuloy na pinaghahanap ang mga suspek at nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.