Nananatiling sarado ang apat na national road sections sa Northern Luzon dahil sa epekto ng southwest monsoon at low pressure area.
Ayon sa Bureau of Maintenance, kabilang dito ang Baguio-Itogon Road sa Benguet; Balbalan-Pinukpuk Road at Lubuagan-Batong Buhay-Abra Bdry. Road sa Kalinga; at Cabagan-Sta. Maria Road sa Isabela.
Samantala, muling binuksan ang Cagayan-Apayao Road sa Itawes Overflow Bridge 1 sa Sta. Barbara, Piat, Cagayan. Gayunman, dalawang kalsada pa ang limitado lamang sa mga light vehicles: ang Kennon Road sa Tuba, Benguet at Luyang-Poo-Lazi Road sa Siquijor.
Patuloy namang mino-monitor ng DPWH ang mga apektadong kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.



