Nagbanggaan ang apat na sasakyan sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Meycauayan, Bulacan, kaninang madaling araw.
Ayon sa paunang imbestigasyon, binangga ng asul na sasakyan ang itim na kotseng tungong NLEX northbound, pasado alas tres ng umaga.
Tumama muna sa nasa unahang truck at taxi ang itim na kotse bago ito tuluyang bumaliktad.
Nagtamo ng sugat ang limang pasahero kabilang na ang lulan ng nabanggang sasakyan na isang buntis at kanyang asawa na agad dinala sa pagamutan.
ADVERTISEMENT
Saad ng nadamay na taxi driver, mabilis umano ang pagpapatakbo ng 22-anyos na driver ng asul na kotse.
Magpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring aksidente. (Kent Bicol/News Light)



