Pinarangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na yumaong haligi ng sining at kultura na nagbigay-diwa sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa buong mundo.
Ginawaran ng Presidential Medal of Merit sa Malacañang sina Gloria Romero na Reyna ng Pelikulang Pilipino; Chef Margarita Forés na nagtaguyod ng Filipino-Italian cuisine; Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales at National Artist Nora Aunor.
Ayon sa Pangulo, sumasalamin sa bawat Pilipino ang hatid nilang sining at binigyang-buhay ang diwa ng bayan.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga pamilya ng mga pinarangalan sa pagbabahagi ng kanilang talento sa bansa.



