4 na indibidwal, timbog sa P3.4-M na umano’y shabu sa Rizal Province

📅  |  ✏️ Updated
Photo courtesy: Rizal PPO-PIO

Arestado ang apat na drug suspek sa isang buy-bust operation ng Rodriguez Municipal Police Station noong Hunyo 6, 2025 sa Brgy. Geronimo, Rodriguez, Rizal.

Kabilang sa mga naaresto ang dalawang high value individual (HVI) na sina alyas “Jojie”, 30-anyos at “Chacha,” 29-anyos at dalawang street level individuals (SLI) na sina alyas “JP,” 39-anyos, at “Dondon”, 36-anyos.

Nasamsam mula sa kanila ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 500 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Isinailalim na sa drug test ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na kanilang haharapin.

ADVERTISEMENT