4 na Gobernadora, wagi sa 2025 NLE sa CALABARZON

📅  |  ✏️ Updated

Babaeng liderato ang mangunguna sa apat na lalawigan sa CALABARZON matapos manalo sa 2025 National and Local Elections.

Muling nagwagi sa pagkapunong-lalawigan sina Gobernadora Nina Ynares ng Rizal at Doktora Helen Tan ng Quezon.

Habang, matagumpay na nakabalik sa kapitolyo ng Batangas si Vilma Santos.

Sa Laguna naman, tuluyang winakasan ni dating kongresista Sol Aragones ang matagal na pamamayani ng pamilya Hernandez.

ADVERTISEMENT

Samantala, patunay ito na malakas, matalino, at determinado ang kababaihan sa larangan ng pagiging leader.