Apat na katao ang kumpirmadong nasawi habang isa ang nasaktan matapos ang insidente ng pamamaril sa flag-raising ceremony sa tapat mismo ng isang barangay hall sa Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa Police Regional Office 4A, tatlo sa mga nasawi ay mga residente at opisyal ng Barangay Salitran 3.
Iyan ay sina Barangay Chairman Raul Atarde Ballos at mga kagawad na sina Jose Lagones at Marvin Canete.
Nakuhanan pa ng video ang pamamaril kasabay ng pag-awit ng “Lupang Hinirang.”
ADVERTISEMENT
Kinilala naman ang suspek na si alyas Ariel, limampung taong gulang.
Dati umanong barangay tanod ang suspek pero natanggal sa serbisyo matapos magkasakit ng diabetes.
Kaya’t nakikitang motibo sa pamamaril ang paghihiganti.
ADVERTISEMENT
Kabilang ang suspek sa apat na nasawi matapos nitong barilin ang sarili sa kanyang tirahan kasunod ng pagtakbo mula sa pinangyarihan ng krimen.
Naisugod pa siya sa kalapit na ospital pero binawian din ng buhay.
Samantala, nagpapagaling na ang isa pang biktima na isa ring youth official.
ADVERTISEMENT
Under investigation pa ang pamamaril, ayon kay Dasmariñas City Congressman-elect Kiko Barzaga.



