Nagsampa ng apat na kasong perjury si Sen. Jinggoy Estrada laban kay dating Bulacan first district assistant engineer Brice Hernandez sa Quezon City prosecutor’s office.
May kaugnayan ang reklamo sa mga umano’y mali at magkakasalungat na pahayag ni Hernandez sa mga pagdinig ng kongreso at senado ukol sa anomalyang flood control projects.
Sa naging pahayag ni Hernandez, sinabi niyang nakatanggap si estrada ng umano’y 30 porsyentong kickback sa mga proyekto ng floodgates at pumping stations sa Bulacan.
Agad namang bumuwelta si estrada at sinabing malisyoso at purong kasinungalingan ang mga akusasyon.



