4.4 milyong Pilipino, naapektuhan ng bagyong Uwan – NDRRMC | News Light

📅 November 13, 2025 1:14 PM PHT

Mahigit 4.4 milyong Pilipino o 1.2 milyong pamilya na ang naapektuhan ng hagupit ni bagyong Uwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pinakamaraming naitala sa Bicol Region na pumalo sa 1.4 milyon, sumunod ang Central Luzon na may naapektuhang halos isang milyon, at sa Ilocos Region na may mahigit 400,000 ang naapektuhan.

Samantala, 27 pa rin ang bilang ng mga nasawi, 36 ang nasugatan, at dalawa pa rin ang nawawala.

ADVERTISEMENT

Nasa 42,000 naman na kabahayan ang napinsala ng bagyo kung saan 7,000 dito ang tuluyang nasira.

Sa huling ulat naman ng Department of Education, 16,000 silid-aralan sa halos 3,000 paaralan ang nasira dahil sa bagyong Uwan.