Maghahain ng 36 na kaso ang NBI at PAOCC laban kina Alice Guo, dating mayor ng Bamban, Tarlac, kasama ang ilang opisyal at kumpanya na sangkot sa iregular na land deals.
Kasong graft at misconduct ang haharapin nina guo dating Mayor Jose Antonio Feliciano dating Vice Mayor William Cura, mga konsehal, barangay at youth leaders at mga incorporators ng Baofu, Hongsheng at Zun Yuan.
Kasama sa inaalmahan ang halos P4 bilyong halaga ng property na pinatawan lamang ng P10,000 real property tax at walang bayad sa gusali.



