350 Pilipinas at 350 Asia, nagprotesta sa ADB

📅  |  ✏️ Updated

Nagprotesta ang climate groups na 350 Pilipinas at 350 Asia sa tapat ng Asian Development Bank sa Mandaluyong City nitong Huwebes, June 5.

Panawagan ng mga grupo sa ADB, itigil na ang pagpopondo sa fossil fuels at suportahan ang mga solusyon sa climate change na naka-angkla sa komunidad at taumbayan.

Sa pamamagitan kasi nito mapoprotektahan ang kalikasan kapag ang mga solusyon ay mula sa kakayahan at kaalaman ng komunidad.