3,475 Examiners sa CALABARZON, sasailalim sa PNPA Admission Test bukas, Nobyembre 8

📅 November 7, 2025 1:58 PM PHT
Photo Courtesy: Maricon Rodriguez

Mahigit 3,475 na mga aplikante mula sa rehiyong CALABARZON ang nakatakdang sumailalim sa Philippine National Police Academy (PNPA) Admission Test bukas, Nobyembre 8, 2025.

Layunin ng pagsusulit na ito na pumili ng mga kwalipikadong kabataang Pilipino na nagnanais maging future cadets at opisyal ng PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), at
Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

ADVERTISEMENT

Isasagawa ang pagsusulit sa apat na testing centers sa CALABARZON na matatagpuan sa Calamba City, Lipa, Lucena sa Quezon at Dasmariñas sa Cavite.

Samantala, umabot sa mahigit 25,000 ang aplikante sa buong Pilipinas.