30th National Seafarers’ Day, gaganapin sa Linggo | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Ipinagdiriwang ngayong linggo ang Seafarers’ Day na may temang ‘Marinong Filipino: Ating karagatan. Ating kabuhayan. Alagaan!’ na pinapangunahan ng Philippine Ports Authority.

Nagsimula noong September 21, 2025 ang 16th National Maritime Week na may mga iba’t ibang aktibidad upang bigyang pugay ang mga seafarers, maritime environment, at ang buong maritime industry.

Ayon sa Department of Migrant Workers, malaki ang naging ambag ng mga marino sa ekonomiya ng Pilipinas.

Katulad noong 2024, humigit-kumulang 6.9 billion dollars o 20% naman ng mga remittances o pinapadala ng mga OFW ay nagtatrabaho sa sea-based sectors. (Rhowell Gonzaga/News Light)

ADVERTISEMENT