303 na biktima ng war on drugs, naghain ng aplikasyon sa ICC laban sa dating Pangulong Duterte | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nag-sumite ng aplikasyon ang mahigit tatlong daan na biktima ng war on drugs upang makalahok sa free trial proceedings laban sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay dahil nahaharap si Duterte sa kasong crime against humanity kaugnay sa libo-libong taong namatay sa madugong kampanya kontra iligal na droga noong panahon ng kanyang administrasyon.

Batay sa dokumentong inilabas ng ICC, lahat ng aplikante ay diumano’y nakaranas ng matinding pasakit at pang-aabuso na iniuugnay sa mga krimeng isinasampa sa dating Pangulo.

Bineripika ang mga pagkakakilanlan ng mga biktima gamit ang kanilang government-issued ID.

ADVERTISEMENT

Kung maaaprubahan ng korte ay posibleng makaharap ng mga biktima si Duterte sa gaganaping confirmational charges hearing na itinakda sa darating na September 23. (Pink Feliciano/News Light)