30 kph speed limit sa mga lungsod, pinag-aaralan ng DOTr

📅 June 17, 2025 12:31 PM PHT  |  ✏️ Updated June 17, 2025 06:13 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Pinag-aaralan ng Transportation Department ang panukalang 30 kph speed limit sa mga lungsod para maibsan ang mga aksidente sa kalsada.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, nakikipag-ugnayan sila sa MMDA para sa posibleng implementasyon.

Posible umanong gamitin ang NCAP at ibang teknolohiya para maipatupad ito.

Aminado si Dizon na mabagal ang 30 kph kaya dapat balansehin ang safety at travel time ng mga pasahero.