3 sugatan sa pagsabog ng pabrika ng bala sa Marikina City; isa, naputulan ng kamay | News Light

📅

Lumiyab ang isang primer sa loob ng kumpanyang Armscor Global Defense Incorporated sa Barangay Fortune, Marikina City hapon ng Lunes dahilan para magkaroon ng malakas na pagputok.

Ayon kay Marikina Police Chief Col. Geoffrey Fernandez, sugatan ang tatlong lalaking empleyado kung saan naputulan ng kamay ang isa, habang may tama naman sa dibdib at mata ang iba pa.

Agad na dinala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang mga biktima, habang wala namang naitalang nasawi.

Nag-deploy na ang PNP ng forensic units habang nasa lugar na rin ang Bureau of Fire Protection.

Nasasailalim na rin sa lockdown ang pasilidad.

ADVERTISEMENT

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang sanhi ng insidente, pero ayon sa paunang report, posibleng nagkaroon ng spark o electrical charge habang hinawakan ang primer na siyang kemikal na nagpapaputok sa bala.