3 sugatan sa banggaan ng motor sa Quezon City`

📅 June 16, 2025 12:55 PM PHT  |  ✏️ Updated June 16, 2025 12:55 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Sugatan ang tatlong indibidwal matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa Visayas avenue, Quezon City Biyernes ng madaling araw.

Sa CCTV, makikitang kumaliwa ang isang motor mula Tandang Sora bumangga sa isang motorsiklo ang paparating na motor na may angkas agad agad pagkalampas ng tricyle.

Tumilapon sa kalsada ang mga sakay matapos ang insidente.

Agad namang rumesponde ang mga rescuer.

Ayon sa responder na si Flordiliza De Ocampo, walang malay at duguan sa ulo ang isang rider. Habang gasgas naman ang inabot ng kanyang angkas.

Na-discharge na sa ospital ang isang biktima habang binabantayan pa ang dalawa.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Quezon City Police District traffic sector 6 matapos ang insidente.