3 motornappers, arestado sa Alfonso, Cavite

📅  |  ✏️ Updated
Photo courtesy: Cavite PPO-PIO

Hawak na ng pulisya ang tatlong suspek na sangkot sa pagnanakaw ng isang motorsiklo sa Barangay Poblacion 5, Alfonso, Cavite kahapon, July 17.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na Ray, residente ng Brgy. Tambo, Balagbag, Indang; Boa ng Brgy. Guinhawa, Tagaytay City; at Bill ng Brgy. Guinhawa South, Tagaytay City.

Kasalukuyan namang tinutugis ang kasama ng mga ito na itinago sa alyas na Paul, matapos tumakas.

Batay sa imbestigasyon, iniwan ng biktimang si alyas Renz ang kanyang motorsiklo bandang 12:05 ng madaling araw.

Pagsapit ng alas-6:00 ng umaga, natuklasan niyang nawawala ito at nang mag-browse sa internet, laking gulat nito nang makita ang kanyang motor sa Facebook Marketplace.

ADVERTISEMENT

Agad itong humingi ng tulong sa Alfonso Municipal Police Station na mabilis namang tumugon at nagkasa ng entrapment operation na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa mga suspek at pag-rekober sa motorsiklo.

Sa ngayon, ang mga suspek ay nakakulong sa kustodiya ng Alfonso Municipal Police Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa

Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Law of 2016 na kanilang haharapin.