Tatlong luxury cars ang inimpound ng PNP Highway Patrol Group dahil sa kawalan ng dokumento at pagbebenta ng mga ito sa kaduda-dudang presyo online.
Kasabay nito, ipinag-utos ng bagong talagang director ng PNP-HPG ang pagpapatuloy ng operasyon kontra iligal na wang-wang at carnapping.



