3 DNA profile, nakuha sa bangkay na natagpuan sa Batangas

📅  |  ✏️ Updated

Nakuha ng Philippine National Police ang tatlong DNA profile mula sa mga bangkay na natagpuan sa pampublikong sementeryo sa Laurel, Batangas.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo, nakuha ang DNA profile sa dalawang lalaki at isang babae.

Isasailalim ang mga ito sa DNA testing at cross-matching sa 34 na nawawalang sabungero at iba pang missing persons.

Hinikayat naman ng PNP ang mga pamilya na may nawawalang kamag-anak na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na presinto para sa posibleng pagtutugma ng DNA.

ADVERTISEMENT

Samantala, bigong makuha ang DNA profile ng mga butong na-recover sa Taal Lake dahil sa matagal na pagkakalubog sa tubig at kontaminasyon.