3 dating usec, kabilang ang kaanak ni Bersamin, iimbestigahan ng Ombudsman sa alegasyon ng money laundering | News Light

📅

Iimbestigahan ng Ombudsman ang tatlong dating opisyal matapos masangkot sa money laundering.

Tatlong dating undersecretary ang iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman dahil sa alegasyon ng money laundering.

Kinilala ni Remulla ang mga ito bilang sina dating Usec. Adrian Bersamin — ang apo sa pamangkin ni ex-Executive Secretary Lucas Bersamin, dating DepEd Usec. Trygve Olaivar, at dating DPWH Usec. Roberto Bernardo.

Matatandaang ikinanta ni Bernardo ang umano’y pagdedeliber ng pera mula sa pondo ng ahensya para sa DPWH gamit ang isang armored van, papunta sa isa pang armored van ni Olaivar para sa kanilang hatian ng kickback.

ADVERTISEMENT

Wala pang pahayag ang tatlo ukol sa isyu, pero una nang sinabi ni former Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi niya nagugustuhan ang pagkakadawit sa isyu ng kanyang apo sa pamangkin na si Usec. Bersamin, na aniya para na niyang sariling anak.