3 batang Filipino-Canadian, nasawi sa road crash dahil sa isang lasing na driver

📅

Isa na namang road crash ang nangyari sa Canada kung saan 3 batang Filipino-Canadian ang nasawi.

Ayon sa Toronto Police, nangyari ang banggaan bandang 12:30 ng umaga.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng sasakyang Dodge Caravan at bumangga sa Chrysler Pacifica minivan kung saan sakay ang mga biktima.

Ikinasawi ng road crash ang mga batang edad 15, 13, at 10.

Habang sugatan din ang tatlo pang sakay ng minivan na agad namang isinugod sa ospital.

ADVERTISEMENT

Haharap naman sa patong-patong na kaso ang suspek na kinilalang si Ethan Lehouillier, 19 taong gulang, na umano’y lasing nang mangyari ang road crash.